#RepMe (at catching-up na rin)

Jusko anumpetsa na? Or pizza na? Sana Hawaiian ples. Ha ha baliw na amputa. Ngayon lang ulit ako sinipag na bisitahin ito, sobrang irregular ko lang mahihiya ang regla ni Lydia. Lol. Charot lang, wala akong kilalang Lydia bukod sa may-ari ng parlor sa Burgos St. nung bagets pa ko, pero marami akong kilalang irregular yung “buwanang dalaw.” Ha ha ha. Biset ung buwanang dalaw. Or buwanang dalawa kung 2x a month ka dinadatnan.

Anyare ba nitong mga nakaraang at ang tagal ko nawala? Uhmmm… wala. Ha ha ha. Actually parang medyo madami pero ang pinakanakaapekto eh ung pagbabago ko ng schedule sa trabaho. Mahigit isang taon kasi akong panggabi tas biglang isang araw, chedeng! Panghapon na ko, which is pabor saken. So dati, ako lang mag-isa sa hathienda pag-uwi ko kaya nakakapagsulat ako. Eh ngayon, pagdating ko ng hathienda eh gising na gising pa ang mga fans kaya more bonding ung eksena, walang pagsusulat na naganap.

Bale ayun lang naman. Marami pa kong ibang kwento, like ung pagpunta namin ni Flip sa Morocco.

Okay lang ba sa inyo ung Marrakech? Hay, di na kayo bumabyahe. Ha ha ha. Gusto ko din ikwento ung tungkol sa bakasyon na yan pero may inaayos pa kong ilang bagay tungkol dun kaya next time na lang.

O dumako na tayo sa totoong topic ng post na ito. Dumako daw o. Bale sa Sabado kasi, may fundraising ang event ang UP Rep. Nabanggit ko na ung UP Rep dito nung mga nakaraan, wag kayong tanga-tangahan. Ha ha ha. Pero i-share ko na rin, marami kaming sikat na alumni. As a matter in fact (wa ha ha), the very Eugene Domingo ay dating myembro ng theater org na ito. At recently, nagkrus ulit ang landas ni Uge at ng UP Rep.

Ayan ha, si Uge na yan. Arte pa ba? Ay actually di ko pa napanood ung video sa taas, inassume ko lang na yan ung video na sinabi nyang member sya ng UP Rep. Ha ha ha. Pero ang point ko lang naman eh shet ano nga bang point ko? Anyway di ko na maalala, bigla kasing dumating si Barang. Ha ha ha.

So ayun nga. Sa Sabado, ung event ng Rep na pinamagatang “REP ME FOR A REASON, LET THE REASON BE VALID.” Daming magaganap dito mga ma’am mahihiya ang evolution of a butterfly. Bale 8pm ung start ng show. 2 banda ung magfa-front act samin (sorry ha? yan lang nakayanan namin) so kung di kayo mahilig sa banda, 9pm na kayo pumunta. Ha ha ha. Yun ung official start ng show. Sa ’70s Bistro ito, i-Google nyo na lang kung pano pumunta wag kayong tamad. P500 talaga per ticket kasi nga fundraising ito kasi ung mga residente namin eh sabihin na lang nating… mahihirap. Charot. Pero dahil friends ko kayo (or hindi rin lahat, ung iba ewan ko kung pano napunta dito), P350 na lang para sa inyo ung ticket. May kasama ng 3 drinks yun na kahit ano, beer, iced tea, liquid sosa, kahit ano talaga. lol. Gagamitin nila ung pera para sa next prod nila. I say nila kasi di na ko member kasi alumnus na ko utak mga teh. lol

At syempre, ipopromote ko ba to kung wala akong exposure? Nya ha ha. Eh ito na rin ang magsisilbing stage comeback ko. Stage comeback daw o. Actually namiss lang din namin talagang magperform kaya namin to ni-stage tas kunwari na lang ung fundraising. Ha ha ha. At pag ito naging successful, malay nyo maging regular event na ito wag kayo umarte. So bale magtu-tula dula kami nina Jill, Babit, Cayin tapos di ko na alam kung sino pa ung kasali basta best ito. Ha ha ha. Di nyo naitatanong, eh UP Rep ung nagsimula ng Tula Dula. Kumbaga if Mac is to Apple then Tula Dula is to UP Rep. Kuha? Para sa mga walang idea kung ano ang Tula Dula, ito isang example nahagilap ko sa YouTube.

O di ba ang saya-saya. Video palang yan, paano pa kung live? At paano pa kung ako eh isa sa mga mover? Eh wala na, Aliw Awards level na. Chot. Jusko nung college, mas madalas pa ko mag-Tula Dula kesa kumain. Wala kasi akong pangkain nun madalas kaya instead na kumain, Tula Dula na lang. Kunwari sa tambayan ng UP Rep, may darating, “Red, nagtanghalian ka na?” Ang sagot ko eh, “Nako hindi pa, lampera eh. Tula Dula na lang tayo.” Yes, mga ma’am. Ganyang level. Ha ha ha. So after so long, tingnan natin kung we still have it. We still have it daw o. Pero I’m sure we do. I’m sure we do daw o.

Tapos bukod sa performance ko na talaga namang ni-highlight ko rin kasi blog ko to, meron ding mag-stand up comedy. As of late kasi, biglang nauso ung stand up comedy sa Rep, ginawa na itong part-time job at sumali na sa Clown In A Million sa Banana Split. Oha. Ang daming sumali, mga 963, pero 2 na lang ung natira at kasama sa final six. or five. Basta malapit na sila sa tugatog ng tagumpay. Itong dalawang ito ay sina:

Karen

At Mimi

Funny no? Ha ha ha. So ayan. Grabe alam na alam nyo na rin ung mga iexpect ha. Pero marami pa kaming ibang pasabog, tulad na lang ng Plas Mob or Plus Mob. O sa UP Rep din nagsimula yan ah. Basta sisiguraduhin naming sulit ung P350 nyo sa kahit anong paraan. Kung di kayo matuwa eh di fine, solian na ng kandila. Ha ha. Kung gusto nyo pumunta at sana pumunta kayo kasi tulad nga ng sinasabi ko sa Twitter at text brigade, sukatan ko to ng friendship, itext nyo lang ako o kaya DM o kaya e-mail or ibulong nyo sa hangin. Dito ko talaga malalaman kung sino ung sumusuporta saken. Or at least ung friends ko may pera. Ha ha ha. Dun na mismo sa venue ung bilihan ng ticket, pero mas masaya lang kung andun ung pangalan nyo para bongga. Agahan nyo na rin kung ako sa inyo kahit di kayo intuwit sa banda para maganda ung pwesto nyo.

At dahil dyan, bilang huling video, she-share ko sa inyo ung Plus Mob namin. At andito ako kadire. Ha ha ha. O kitakits sa Sabado, wag umarte, wag pa-high art. Enjoy-enjoy lang. GV-GV. Wa ha ha.

Eh ayaw ma-post dito ng video namin so wag na pala. Ha ha ha. Sa Sabado na lang para maexcite kayo sa pagsayaw ko. Not. Ha ha ha ha.

Lastly, favor naman, gamitin nyo ung hashtag na #RepMe pag magtitweet kayo ng something related (syempre, ha ha). Yun lang. Para lang lakas maka-X-Factor. #IAMRed. Ha ha ha.

Ung next post ko bahala na kung kelan basta meron yan wag na lang natin lagyan ng date. Ha ha ha. Kbye.

Posted in UP Repertory Company | Tagged , , , , | 4 Comments

30-Day Challenge: Day 6 (Something You Don’t Leave The House Without)

Haba rin ng title… hoa. Lol.

Ay teka nga pala. Siguro nagtataka ung iba kung bakit ung iba kong tweets eh ganun ung format, ung may ellipsis tapos ‘hoa.’ Iba kasi ung paraan ng pagbasa nun. Mga kaopisina kong suking-suki ng mga bago kong pakulo alam na nila kung paano to. Tuturo ko rin sa inyo pag nagkita tayo chaka kung gusto nyo ring matutunan kung ayaw nyo di wag katamad din gumamit ng punctuation marks paminsan pero masaya gawin kasi ung mga nagbabasa di nila alam na dapat pala nag-pause na sila pero since walang comma or period eh tuloy tuloy pa rin ung pagbasa nila tulad nito nubayan.

Share ko na rin since nabanggit na rin naman, sabi sa Wikipedia ang ellipis ay galing sa Ancient Greek na ἔλλειψις. Malay nyo kasi itanong yan pag sumali kayo sa isang game show, at least na-share ko. Di ko magiging bagahe. Chart. Ha ha. Lakas maka-Slumdog Millionaire nun amininin nyo yan. Naamin nyo na? Very good. Now read on. lol.

Hindi naman ito dapat ung topic ng Day 6 pero ito na lang ung ginawa ko kasing walang isip-isip na magaganap. More on enumeration lang. Eh magaling ako sa enumeration. Kayo ba? Any-any another.

Ito ha, bago kasi ung sched ko sa opisina. May positive at negative itong dala, parang pregnancy test lang. Pero ay basta tama na ang office talks. Penis talks na lang para masaya. Charot. Not charot. Lol. Yan pag may nagsearch na naman ng penis talks dito na naman irerefer ng Google. Utik much. Lol.

Eh kayo kumusta naman kayo? Hindi na rin healthy ung relasyon natin bilang blogger-reader. Very one-way lang. Eh paano ko naman malalaman ung mga ganap sa buhay nyo di ba? Wag ganun. Pag laging ganun, nauuwi sa di pagkakaintindihan tapos nyan break up na. Lungkot din talaga kung iisiping lubos. Iisiping lubos?!? Ha ha ha noba.

#NowPlaying She Don’t Have to Know by John Legend of the Guardians: The Owls of Ga’Hoole.

Parang gusto ko nga palang gumawa ng sarili kong version ng Twitter. Tatawagin ko itong “maipagpaglang.com.” Jusko ung iba kasi makapagpag lang eh. Ayoko magbigay ng example baka may makabasa na follower ko i-unfollow ako. Sakit kaya sa ego nung ina-unfollow. Not. Pero pag pinilit nyo ko, magbibigay ako ng mga maipagpag-ko-lang tweets. Gow pilit na wag umarte.

Eh yung pag tungkol na talaga sa topic ung isusulat ko eh tinatamad na ko. Best in intro, best in satsat. Kaya naman minsan na rin akong nagawaran ng award na Best in Foreplay na ngayon ay tinatawag ng momol. Or momox ika nga ni Ate Jet.

Biglang may awards show:

Presenter: And the Best in Momol slash Momox Award goes through…. hardships, pains, tribulations and the like. Chart. Lumang joke na namin sa Rep yan, ginamit ko lang since nabanggit na rin ang awards. Kainis lang kasi ung mga nagpe-present tas mali mali. #PetPeevety alerth! Lol. Kunwari, “And the Best Actress goes to… Sharon Cuneta!” So bale pupuntahan nung best actress si Ate Shawie ganon? Ganun ba yun? Paki-explain nga saken ples. Lol.

By the way hindi totoo ung award na un ha. Pero I’ve been told a few times that I’m quite the kisser, the best in their opinion. Oha. Lol.

Gow na tayo sa mga lagi kong dinadala pag umaalis ako ng bahay. Not necessarily na di ako makakapagfunction pag di ko sila nadala.

#1: Wallet na may lamang pera. Importante ung “may pera” part otherwise, #nganga. Sarap gamitin nung #nganga aminin nyo yan.

#2: Panyo. Kapag nakakalimutan kong magdala ng panyo, bumibili talaga ko. Pag wala akong nabili, sira na ung araw ko. Ang bilis ko kasi pawisan. Pag braso ung pinampunas ko sa pawis eh di gitata. Kainis ung gitata. Kahapon nung bumili kaming brunch ni kokoy nakakita kami ng bata sa kalyeng best in gitata.

#3: Phone at earphones. Explain ko pa? Di na-develop nung kabataan ung critical thinking? Charot.

#4: Susi ng bahay namin. Syempre ng bahay namin alangan namang ng bahay nyo aanhin ko naman yun.

#5: Pabango. Meron akong maliit na bote na pinaglalagyan ko ng pabango para lagi kong dala. Di ako mapakali pag di ako nakapagpabango, ung di ko naaamoy ung sarili ko. Parang di ako nage-exist. Ganung level. Tas minsang nanonood ako ng Cine Europa, nakatulog ako (as usual). Yun pala, di ko nasarang mabuti ung pabango ko. Tumapon na sa pantalon ko. Paggising ko nung tapos na ung palabas (lol), hapdi na ng binti ko. Burn.

#6: Lip balm. Kasi maarte ako. Gamit ko ngayon ung Alba Botanica. Organic-organican. Nabili ko sa Healthy Options. Best. Langsinabi ung Nivea For Men na napakalagkit sa labi para kang naglagay ng paste sa lips. Syanga pala, tinitigasan ako sa word na organic. Yun lang.

Sana naman wala na kong naulit na number. Di ko kasi pinu-proofread tong mga sinusulat ko. Ni hindi ko binabasa pago i-publish kasi I’m tamad like that. Sayang ung preview button. Lol.

Yay naitawid din tong entry na to.

Organic. Organic. Organic. Organic. Sya, makapag-CR muna. Lol.

Posted in 30-Day Challenge | 13 Comments

30-Day Challenge: Day 5 (Pet Peevety)

Hi. Kumusta kayo? Magkumustahan naman muna tayo bago tayo sumabak sa mga pagsubok ng buhay. Pagsubok ng buhay?? Grabe lang ung bagyo nitong nakaraang mga araw. Talagang tinodo rin ni Pedring eh. Ayaw nya ng half-baked na bagyo. Give na give, nanghihingi ng award. Ha ha ha. Pota any any. Uminom kasi ako ng pinaghalong Great Taste at Kopiko na sinuggest ni Hazel. Di tuloy mapakali ung kaluluwa ko ngayon. Parang gusto nya kong lisanin, di sya mapakali. Ha ha.

So ano na? Well, kung nababasa nyo naman to, ibig sabihin eh ligtas naman kayo. Good job. Pagpatuloy nyo yan.

So class, our topic for today is pet peevety. Siguro marami sa inyo ang nagtataka kung ano nga ba ang pet peevety. Ang pet peevety ay isang term na pakulo ni Madam na hango sa term na endoplasmic reticulum. Noba, pet peeve kasi. Lakas maka-bio nung endoplasmic reticulum. Eh paano naman naging pet peevety ung pet peeve? Eh di ganito. Chart.

ANG ALAMAT NG PET PEEVETY

Last month, bumalik kami sa UP Rep para tumambay. Kwentuhan, inuman, bastusan, the works. Nung si Babit aka SCF ang bumabangka, may kwento sya na may involved na numbers. Nabanggit nya ang mga numerong 200, 100 and yes, fifty. Kaso nagkaroon ng konting aberya. Ung fifty, minsan nagiging feepty, minsan nagiging peevety. Mas nagustuhan ng fans ang peevety, kaya un na ung nag-stick. Hindi na tinigilan ni Madam mula noon ang peevety. Lagi na nyang ginagamit every chance he gets. Kunwari, “Ang aligasgas ng sahig! Alam nyong pet peevety ko ang maaligasgas na sahig!” Sumegunda naman si kokoy sa paggamit ng pet peevety kaya naging official term na ito.

Ngayong alam nyo na ang alamat ng pet peevety, siguro naman puede na tayong magsimula.

Ay teka may gusto pa pala kong sabihin. Meron dito sa wordpress na ‘search terms.’ Yun ata ung kung paano napunta sa blog mo ung isang ligaw na bala. Ligaw na bala? Ang hirap iexplain basta alam nyo na un. Pero ta-try ko pa rin. Un ata ung mga wala namang balak pumunta sa blog ko pero since ni-search nila ung term sa Internet, lumabas ung blog ko. At duy, nakakaloka. Kumusta naman ung nag-search ng tebats chaka labas etits, tapos dito sila nirefer ng Google. Ha ha ha ha. Laking disappointment siguro nung mga nagclick ng blog ko tas di nila nakita ung hinahanap nila. Hmmmm…. magtwitpic kaya ako para di naman masayang oras nila? Chart. Meron ding nagsearch ng Lualhati Bautista chaka kawalan ng hustisya. Ha ha ha. Jusko.

Pet Peevety #1: Mga matagal gumamit ng ATM (Walang pasintabi ung pagsisimula. Lol. Wag umarte, nakikibasa lang. Ha ha ha)

Ako kasi pag gumagamit ako ng ATM, may purpose. Arte? Ha ha. Pasok card, withdraw, kuha card, kuha cash, kuha resibo kung meron pero madalas eh wala ewan ko ba dyan sa BPI, tapos fly. Yung iba, di ko maintindihan kung bakit ang tagal tagal tagal tagal. Withdraw lang ginagawa ko sa ATM. Di ako nagdedeposit kasi bukod sa di ako marunong, parang di ako tiwala. Wala akong masisisi kapag hindi pumasok ung pera. Ha ha ha. Mas maganda syempre ung meron kang masisisi just in case. lol

Pet Peevety #2: Ung mga ma-attitude na kasabay sa jeep. Nako marami to.

Una, ung mga nasa bandang dulo nakaupo tapos pagsakay mo ng jeep, biglang magsisiusog papunta sa may pinto. #EerieThe. Andun ka na sa destinasyon mo hindi ka pa nakakaupo. Pangawala, ung mga ayaw mag-abot ng bayad. Sarap putulin ng kamay. #EerieThe another. Ha ha ha. Pangatlo, ung pagsakay mo, sila lang ung nasa jeep at dun sila sa may pinto nakaupo. Pagsakay mo, di ka pa nakakaupo ng maayos, ipapaabot na agad yung bayad. Seryoso? Hinintay nyo pa talaga ko para magbayad? Kautik ah. I mean okay lang naman un, pero sana naman paupuin muna ako ng maayos di ba. Nahintay na nga nila ako eh, di pa nila itodo. Ha ha ha. Pangatlo, ung mga kung makaupo eh akala mo pang-2 ung binayad. Makabukaka akala mo may titing parating. Ha ha ha. Umayos ples. Hmmm ano pa ba? Wala na ko maisip. Pero nakakairita rin ung mga drayber at kundoktor paminsan. Lalo na ung mga nagpipilit magsiksik ng mga pasahero, kesyo sampuan daw un. Chewra. Eh sa matataba paminsan ung mga nakasakay, hindi na applicable un. Chewra. Tapos ung mga ang lalakas magpatugtog ng mga chararat na kanta, tapos pag magbabayad ka, papaulit-ulit sayo.

Tugs tugs tugs tugs

Pasahero: Bayad ho, isang Sta. Lucia galing Ampid.
Drayber/Kundoktor: Saan?
P: Sta. Lucia
D/K: San galing?
P: Ampid.
D/k: Ilan?
P: Tang ina mo warif hinaan mo ung tugtog? Gago ka pala eh. Take note of the word ‘warif.’

Pero pinakanakakapikon ung mga kulang ng papiso-piso magsukli. Style eh no. Uso yan sa mga jeep na Rizal, Antipolo, Tanay, San Mateo, Montalban. Di ata maganda ung foundation ng karamihan sa mga konduktor at jeepney drivers na taga-Rizal sa basic math. Or mapanlamang lang talaga sila.

Ayan wala na ko maisip. Actually, bilang kebs ako sa halos lahat ng bagay, wala naman talagang kinaiiritahan masyado. Pero pag may naisip pa ko, ieedit ko na lang to at dadagdagan. Sa ngayon, medyo humupa na ung epekto ng kape at najejebs na ko. So post ko na to.

Next time ulit.

Ayan may naisip na ko agad idagdag. Nakaidlip na ko eh. Ha ha ha.

Pet Peevety #3: Mga ayaw umarte ng naayon sa ganda, body mass index, height, teeth alignment, dami (at placement) ng nunal, kinis ng balat, at marami pang iba. Basta ung mga ayaw lumugar #FeelingerongFrogs. Ha ha ha. Wag na natin i-elaborate tong part na to kasi ano. lol.

Pet Peevety #4: Mga nakikibasa ng blog (lalo na ung mga lakas makatanong kung kelan ung sunod na entry) tapos di man lang makapag-iwan ng comment. Chart. Ha ha ha.

Posted in 30-Day Challenge | 37 Comments

30-Day Challenge: Day 4 (Parents)

Ayan. Grabe ang tagal kong hindi nakapag-post. #LamPake. Char. Ha ha ha. Sorry naman. Ito ung inaatupag ko nung dalawang linggong wala akong ganap dito:

Ganda ng pagka-edit. Pro na pro.

Alak paaaaaa! Ples. Ples??? Ha ha ha. Actually hindi naman ako nag-inom ng nag-inom. Very light lang. Ang totoo nyan, ito ung naganap nitong mga nakaraang araw:

Uy Family boarding a private jet. Not. Ha ha ha.


Yes, you got it. The entire Uy Family went to Cebu. Tamang RnR lang kasi alam nyo ung sa mga mayayaman, di ba sinasabi nila nagfa-family vacation sila ganyan? Well, triny namin. At ang gastos pala. Kaya pala sila lang nagsasabi nun. Ha ha ha.

Game. Let’s get down to business. Tulad ng nakita nyo na sa title, ang topic ngayon ay parents.

Patlang.

Ampon kasi ako. Ha ha ha ha. Chareng. Lakas mala-Kule ng ‘patlang.’ Lumi-literature. Pa-profound pag saken galing. Ha ha ha. Sya sya. Papakilala ko na sa inyo ang tatay at nanay ko.

Unahin natin si Daddy. Patay na sya.

Ha ha ha. Grabe walang preno. Eh patay naman na talaga sya eh anong gagawin ko.

Dapat may picture sa space sa taas, kaso wala akong picture ni Daddy. Ang lungkot lang. Nasabi ko na ata dito o sa Twitter na palipat-lipat kasi kami ng bahay nung bata pa ko, nagkandawalaan ung mga family albums namin. Tapos ang tagal din naming walang camera bilang pamilya. Pero kebs na. Sabi naman nila, kamukha ko daw si Daddy. So edit nyo na lang ung pictures ko, lagyan nyo ng mga kulubot ganyan, parang ganun na rin. It’s a tie. Si Daddy, Ranulfo Yu Uy ang buo nyang pangalan. Lakas maka-Chinese. Sya ang may kagagawan kung bakit R lahat nagsisimula ng pangalan naming magkakapatid. He’s very feudal that way. Chot. Semi chot. Ha ha. Perfect din na nagbakasyon kaming buong pamilya sa Cebu nitong nakaraan gawa nung dun sya pinanganak at lumaki. Binisita na rin namin ung mga kamag-anak namin dun na tatlong lengwahe ang alam, Chinese, English at Bisaya. Di ko sila makausap ng fatale kasi di ako marunong mag-Chinese, English at Bisaya. Sige, fine. English kaya ko pero konti lang. Ha ha ha.

Bilang bunso ako, tulad ng nasabi na, konti lang ung alaala ko kay Daddy. Nung nagkaisip na ko, ang trabaho nya ay ahente ng sapatos. Byahe sya ng byahe sa iba’t ibang parts ng Visayas at Mindanao bilang dun ung area nya. Bihira lang sya umuwi samin sa Marikina. Masaya/malungkot ako tuwing nasa bahay sya nun. Kasi gabi-gabi kaming may KFC pag andun sya, kaso gabi-gabi din syang umiinom. As in. Hindi pa naman sya ung tulad ko na pag lasing, namumula lang. Si Daddy kakaiba sya. Sabihin na lang nating nakakatakot. In English, scurry. Ha ha ha. Nung nagpunta kaming Cebu, may mga bagay akong nalaman na puedeng mga dahilan kung bakit naging alcoholic si Daddy, pero di ko na sasabihin dito. Kamag-anak? Ha ha ha. Nitong malalaki na kaming magkakapatid, chaka lang namin napagtantong alcoholic na pala si Daddy, na sakit pala ang alcoholism na dapat, tulad ng ibang sakit, eh ginagamot. Dumi-Disease Theory of Alcoholism. Ha ha ha. Pero ayun nga, hindi naman namin alam dati yun. Chaka I think naman in general, kulang na kulang pa rin tayo sa kaalaman tungkol sa alkoholismo.

Nung bandang high school na ko, inatake na ng iba’t ibang sakit si Daddy, bunga na rin ng sobrang todong pag-inom nya ng fatale. Ayan ah, sana nagagap nyo ung gravity ng pag-inom nya. Ha ha. Na-stroke sya ng maraming beses hanggang sa di nya na kinaya mag-work. Nagtayo na lang sila ni Mama ng maliit na pagawaan ng sapatos (I know right? Minsan sa buhay ko eh naging anak din ako ng shoe mogul. Ha ha ha.)

Mula nung unang stroke nya, di na rin talaga nakarecover si Daddy ng todo. Hanggang sa iniwan na nya kami nung December 2006. Tagal na rin pala ah. Pero bago naman sya namatay, nagkaayos naman kami. Nung una, di ako sanay na lagi na syang nasa bahay. Tapos kahit naman may sakit na sya, araw-araw pa rin syang umiinom. So best in bangayan kami. Pero nung nag-first year college ako (pak, daming naganap saken nung nag-college ako) nagkausap kami ng masinsinan, more more iyak ganyan, mahihiya ang Maalaala Mo Kaya. After nun, naging okay na kami. Sayang nga lang, kung kelan naman puede na sana kami mag-inuman, eh wala na sya. Sniff.

Pero bukod sa pagiging lasenggo, may iba pa namang pagkatao si Daddy. Ha ha ha. Palabiro sya. Mabait sya sa mga apo nya. Pag nanghihingi kami sa kanya ng pera at meron sya, nagbibigay sya agad, minsan lahat pa. Mabait sya sa mga kabarkada nya. Mahal na mahal nya si Mama. Magaling syang kumanta at mag-gitara. Sya nagturo saken mag-chess at pusoy dos at tong-its. May time din nung grade school ako, malapit lang ung school ko sa bahay namin. Dinadala ni Daddy ung baon ko sa school pag lunch para daw bagong luto. Araw-araw yun, walang sablay, kahit hirap na sya maglakad nun.

Daddy, wherever you may be (sana hindi sa likod ko ha ha ha), namimiss ka namin ng todo. Mahal na mahal ka namin. :)

Dahil dyan, break muna. Ung original version nito, peborit nina Mama at Daddy. Itong Fugees, favorite naming magkakapatid. We love the Fugees.

Moving on to Mama. Grabe ang haba pala ng post na ito. Kung alam ko lang, sana pinagpabukas ko na lang (ulit). Ha ha ha. May shift pa kasi ako sa trabaho mamaya. So ito ung latest picture namin ni Mama na kuha nung nagpunta kaming Cebu.

Mama's Boy

56 years old na si Mama, but no, mukha lang syang 55. Ha ha ha. Sya ung pinakapayat sa pamilya namin. Grabe lang. Lenie Oro Uy pangalan nya. May lahi silang Kastila. So bale ako pala eh multi-cultured. Not. Ha ha. Pastora si Mama. Hindi halata saken, alam ko yan, pero wag nyo naman sya ijudge grabe. Judge ba kayo? Ha ha ha. Nung bata ako, lagi nya ko sinasama sa church. Nung mga unang panahon na na-stroke si Daddy at di na kaya mag-work, si Mama muna ung pumalit sa posisyon niya bilang ahente ng sapatos. Lagi nya rin ako sinasama sa mga byahe nya kapag kaya. So basically, laki ako sa nanay.

Sobrang masarap magluto si Mama. Pero minsan lang sya magluto, kaya pag nagluluto sya, we make sure kakain kami. Lalo na ung laing, bilang Bikolana sya. Ay. Mataas ang standard ko sa laing. Wala pa kong nakakain na laing na mas masarap sa luto ni Mama. Magaling din sya kumanta. Madaling patawanin. Iyakin din pag nanonood ng TV at sine. Pinakahinahangaan ko sa kanya ung dedikasyon nya sa pananampalataya nya. Mula nung nagkaisip ako, hindi ko nakitang pinanghinaan sya ng faith sa paniniwala nya. Bukod dun, kahit na gaano kahirap pakisamahan si Daddy nung mga panahong naglalasing si Daddy, hindi nya iniwan si Daddy, hindi nya kami iniwan. Grabe din talaga kasi ung mga pasakit nya nun, puedeng-puede nya kaming iwan at sarili nya na lang ang intindihin nya, tulad ng ginagawa ng iba, pero pinili ni Mama si Daddy, pinili nya kami. Habangbuhay akong magpapasalamat sa kanya dahil sa sakripisyo nya para sa amin.

Mahirap manggaling saken, pero masasabi kong napalaki naman kami ng mahusay ng mga magulang namin. Hindi man sila perpekto, ginawa nila ung lahat ng makakaya nila. Kaya tingnan nyo kaming magkakapatid:

Di ba blurred? Masasabing pinalaki kaming blurred. Ha ha ha. Mahal na mahal ko yung mga magulang ko. Kung papapiliin ako kung sinong magiging magulang ko, sila pa rin ang pipiliin ko.

Posted in 30-Day Challenge, Family | Tagged , | 31 Comments

30-Day Challenge: Day 3 (First Love at Summary ng mga Ganap, Part 2)

Pasensya na at natagalan. Ganun ako katagal mag-almusal eh. Chaka inulit-ulit ko ung tennis matches na pinanood ko hanggang sa makabisa ko na sila point by point. Not. Tinamad lang talaga ko bakit ba.

Game na. Ano nga ba ang ‘first love?’ Ha ha ha ha. Tang ina. Pakachaka. Ay puede ba magmura dito? Puede naman siguro no? Akin naman to. Lol. Pero kunwari ganito, hindi ka nagmumura as a person tapos nakabasa ka ng ‘tang ina’ or ‘putang ina’ or ‘shutanginamels,’ considered na rin ba na nagmura ka? So madadagdagan ung kasalanan mo kay… uhm…. gawd? Charot. Ha ha ha. Hello, sa mga nobela ni Lualhati Bautista ang dami kayang mura. Eh magkalevel naman kami. Hala, yang last statement na yan kasalanan yan. Pero keri lang siguro, ka-Facebook ko naman sya nung may Facebook pa ko. Ha ha.

Anyway, para saken ang first love ay… Ha ha ha. Sorry na ples. Wag nyo ko iwan mag-isa dito. Kung ako lang din babasa ng sinulat ko eh di sana nagtebats na lang ako, na-enjoy ko pa. Ha ha ha. So ayun na nga. Nahirapan slash nahihirapan din ako isulat tong part na to. Leche. Ang random kasi nung pang-3rd day eh tungkol sa first love. Puede namang pang-16 o kaya 23. Mas may sense. I think. Ha ha. Ako pa talaga ung nagreklamo eh ako na nga lang nakigamit ng challenge. Ha ha ha.

Ang daldal ko anubaaaa. Oks game seryoso na.

Kalunos-lunos ang kalagayan ng marami nating kababayan. Saang dako ka man tumingin, laganap ang kawalan ng hustiya, katiwalian at kahirapan.

Ha ha ha ha ha ha ha ha ha.

Yung first love ko, sya din ung only love ko. WOW LANG DI BA? Char. At para sa convenience ng lahat, tatawagin na lang natin syang… S. Taray. Gumo-Gossip Girl. Para todo yung kwento, simulan natin sa unang pagkikita. (Time Space Warp, ngayon din.)

Freshman ako sa UP nun, 17 years old, sariwang-sariwa, flat na flat pa ung tyan ko nun *sniff*. Kinuha kong PE nung first sem eh volleyball since player naman na ko nung high school. I’m resistant to change like that. Isang PE class, na-ispatan ko agad itong si S. Bida-bida rin kasi, makapalo akala mo UAAP. PE 2 lang kasi to te. Ha ha. Achaka kung makapag-joke sa buong class, akala mo eh kaklase nya lahat since Kinder. Chewra. In short, inagawan nya ko ng spotlight. Grrrr. Ha ha. Pero after some time, nagkakausap naman kami. Keri naman pala tong si S. Mabait naman pala. Chaka ang ganda mag-smile. Eeeeep. #MalandingFrog.

Last day ng PE class, October 2, 2002 ito, Wednesday. Pagkatapos ng inter-class tournament (o sabi nga ni Angelica Jones, tornament. Kaya sige, tornament na lang para masaya). So ayun nga, natapos ung inter-class tornament ng 1pm. Imi-meet ko ung groupmate ko sa Math 1. Wag nyo ko i-judge, kaya ko ang higher Math kaso ito na lang talaga ung available nun. Ha ha ha ha. Itatago na lang natin sa pangalang Kleng. Actually, Kleng talaga ung pangalan nya. Schoolmate ko din sya sa UPIS. Hi, Kleng. Anuna? Akalain mong part ka ng greatest love story this world has ever known? Chor.

So ito palang si S, may exam din sa Math ng alas-kwatro. So meron syang 3 oras na papalipasin. Nagkasabay kami sa kiosk nun. Alas-dos pa ung kitaan namin ni Kleng. Yakisoba ata kinakain ko nun tapos si S eh parang mas marami kasi mas madami syang pera. Ha ha ha. Habang kumakain, nagkausap kami ni S. Yun ung unang moment na nagkausap kami ng matagal. Yun din ung moment na narealize kong sya na ung gusto kong pakasalan. Chottttt. Ang saya lang ng kwentuhan namin, ang dami naming pagkakapareho, chaka ang gaan ng loob ko sa kanya, lalo na pag nginigitian ako. Eeeeep. #MalandingFrogPart2

Tapos biglang dumating si Kleng. Naistorbo ung kwentuhan. #EerieThe. Sabi ko kay S, wag muna sya umalis, hatid ko na sya sa Math Building after ng meeting namin ni Kleng, tutal sinamahan nya ko. Pero actually, damoves ko lang yun. Swabe di ba? Churut.

Itong susunod na part eh isa sa mga pinakapaboritong part ni S. Pagtapos namin kumain sa kiosk, kumain kami ng mangga sa may gym lang din. Ung nagba-bike tapos may mga garapon na may tubig na paboritong itlogan ng lamok. Ha ha ha. Actually, sya lang pala ung kumain ng mangga. Ako singkamas lang. Wala kasi akong pera para mag-mangga. Unnecessary expense. Grabe ang hirap ko lang bilang tao. Ha ha ha. Ang hayop, di man lang ako inalok ng libre. #EerieThe another. Ha ha. Tuloy ung kwentuhan namin mula sa gym hanggang Math.

Di kami nag-Ikot slash Toki jeep. More lakad. Mahilig kaming dalawa maglakad. Nabuo halos ung relasyon namin sa mga usapan namin habang naglalakad. Pero di applicable sa lahat yan ah. Masarap kasi maglakad sa UP. Try nyo sa Quiapo. Or Divisoria. Gudlak. Ha ha ha.

Tinamaan naman talaga ako. Sabi ko, hintayin ko sya matapos sa exam nya. Nabitin kasi ako sa kwentuhan. Eh pumayag naman sya. So I think the attraction is mutual. Attraction daw o. Natapos sya sa exam. Lumipas ung araw na naglakad-lakad kami sa UP, kumakain, nagkwekwentuhan. Hanggang sa tumigil kami sa hagdan sa Quezon Hall, sa likod ni Oblation at dun kami nagkwentuhan hanggang alas-dos ng madaling araw. Take note, may klase pa sya kinabukasan ng alas-syete, ako 8:30. At uuwi pa sya sa Antipolo, ako sa Marikina.

Yun ang pinakamasayang araw ng buhay ko.

Yan na lang ung ikekwento ko. Ang lagay eh ikekwento ko lahat? Eh 9 years na kasi kami next month, so kelan pa ko matatapos nito? Ha ha ha.

Ganito na lang. Nung pa-graduate ako sa high school, isa sa mga nilu-look forward ko sa college eh mga bagong tao. Sabi ko pa, sana makilala ko ung taong makakasama ko sa maraming bagay. Hindi specific na karelasyon, basta isang taong alam ung laman ng puso’t isip ko. Hindi naman ako binigo ng UP. Si S ang isa sa mga pinagpapasalamat ko sa UP. Sa UP ko nakilala ang soulmate ko.

Sa mga susunod na pagkakataon, pag ready na kami pareho, ikekwento ko pa sa inyo ung love story namin. Malaking bahagi sya ng buhay ko. Di naman perpekto ung relasyon namin. Next month, 9 years na kami. Dami ring pagkakataon na muntik na kami maghiwalay. Pero sabi ng isang matalinong tao na hindi ko kilala personally, ung pananatili sa relasyon ay choice. Sana (at alam ko naman), na habangbuhay na naming pipiliin ang isa’t isa.

Hindi naman araw-araw na nakakatagpo mo ung soulmate mo.

<3

Posted in 30-Day Challenge | 53 Comments

30-Day Challenge: Day 3 (First Love at Summary ng mga Ganap, Part 1)

Okay ito na grabe. Sisimulan ko na tong 3rd day. Makapressure din kayo ah. Employer? Swelduhan? Ha ha ha. Charot. Ang dami din kasing ganap ng buhay ko nitong nakaraang tatlong araw. Kung kelan naman ako naka-leave chaka naman ako kulang na kulang sa tulog. Sabik sa gimik? Kinse anyos? Ha ha.

So bago tayo pumunta sa topic ng first love, kwento ko na rin muna ung mga eksena nitong nakaraang tatlong araw. Ito ung version ko ng pagpapaliwanag sa baranggay kung bat delayed tong entry na to. Atchaka wag nga kayong excited sa usapang love. Love lang yan te, kalevel lang yan ng sleep. Chareng. Ha ha ha.

Hindi ko pa ata nasasabi sa inyo na nagsimula yung 10 araw na leave ko sa opisina nung Byernes. Or nasabi ko na? Dedma na. Makakalimutin nga ako di ba? Na-establish ko na yan sa Day 1 post. Anyway, sa mga ordinaryong araw kasi ng may pasok, hindi ko kayang gumawa ng ibang ganap, bilang panggabi ako. Jusko te, itutulog ko na lang yung mga libreng oras ko kesa lumabas-labas ganyan, unless weekend na. Di ko rin naman maibibigay ang best ko since I’m perpetually sleepy. O dumugo na yung ilong nyo sa perpetually sleepy, pakipunasan. Ha ha ha. Eh paano pa kung ilabas ko yung iba ko pang mga highfalutin words para magmukha rin akong sosyal at edukado? Ha ha ha. Chareng. May pinanggagalingan? Ha ha ha. Waley.

Plastado mga 3 years ago. Wala na kong ibang makitang kuha ko ng natutulog. Eh feeling ko kelangan na ng picture para mabreak ung texts. Ha ha ha.

So going back, since naka-leave ako at wala akong iniisip na, “Shet, puyat na naman ako. Kape na naman dadaloy sa mga ugat ko para mapanatiling gising sa opis,” binigay ko rin yung best ko sa paggawa ng ganap. Inuna ko na sina Aika at Banuk, mga kapwa ko Repists na bihira kong makita pero pag nagkabonding kami, best. Wala naman masyadong event nung Friday night. Gumising ako ng mga 9pm, naglakad-lakad sa Boni Pioneer para maghanap ng pizza at bumili ng alak. Tapos mga 11, nasa hathienda na kami kasama nina Madam at dumating na rin si Kokoy galing opisina. Nagsayawan lang kami ng very light, uminom, kumain, nagyosi break at nagkwentuhan ng malupit tungkol sa mga buhay-buhay. Ang tawag ata dito ng mga sosyal eh ‘catching up.’ Ha ha ha. Nung natulog na sila bandang alas-singko ng madaling araw, sinulat ko na ung Day 2 entry ko kahit rurok na yung antok ko. Hiyang-hiya naman daw kasi ako sa inyo. Eh hindi nga lahat kayo nag-iiwan ng comment. Mga read and run. Chewra. Chos. Ha ha ha.

Natulog kami ni Koks mga 8 am na. Tapos gumising na kami alas-12 ng tanghali para sa ganap namin ng araw na yun. See? Ganun din, parang galing lang din ako sa shift, it’s a tie. Ha ha ha. Pero okay lang naman na kulang ung tulog pag hindi ka naman papasok sa opisina, kasi di mo naman kelangang ibigay yung best mo for at least 9 hours.

So ayun na nga. Manonood kami ng Zombadings ng 1:45 pm sa Trinoma kasama ng b3tches, ang mga kaibigan ko sa opisina. Magsusulat ako balang araw tungkol sa b3tches, bilang isa sila sa mga pinakamalalapit na kaibigan na nakilala ko mula nung grumadweyt ako ng college.

Yosi break pagkatapos magpashokot. Ako, Flip, Ayie, Tin, Cherry, Maahn, Frixa. Si Barang kumuha ng litrato kaya wala sya.

Hindi na ko magko-comment sa pelikula dahil hindi naman ito film review. Chewra. Ha ha ha. Pero at least, hindi ako nakatulog or naidlip man lang. Palakpakan!

Pagtapos naming manood ng sine, umuwi na ang magkapatid na Maahn at Frixa sa Bulacan. Tapos kami naman bilang allergic kami sa tulog, tumuloy na kami sa Moonleaf sa Maginhawa para sa aming milk tea fix. Milk tea fix daw o. Tutal may kotse naman si Barang cause she’s alta like that. Ha ha ha. Kayo ba? May kaibigan ba kayong may kotse. Wala? Like eeew. Wag na nga kayong bumisita dito sa blog ko. Chareng. Ha ha ha.

Gawa ni Tin. Lakas maka-ad di ba.

Excuse me, mukha na kong tatay anyare.

Shutanginamels, andun din si Piolo. So nagpapicture ako. Isang wagas na fanboy moment.

After namin mag-Moonleaf, dapat kakain kami sa katabi, Delish. But no, pumaprivate event. So nag-Chocolate Kiss na lang kami. Keri ko naman bilang balwarte namin to ni kokoy.

Sa Jollibee lang to actually, wala kasi akong picture sa ChoKiss. Ha ha. Avail nyo ung kintab ng fez ko.

Aura-aura sa may hagdan pagkatapos kumain.

Kasama na si Tita Tin.

Pagtapos naming kumain at tumawa ng fatale, umuwi na kami. Tama na, clingy na masyado. Ha ha ha. Hindi, wala pa rin kasing tulog yung iba gawa ng galing pa silang shift. Tapos kami naman ni Kokoy eh may volleyball pa ng umaga kinabukasan kaya keri na lang din na umuwi kami.

Pagdating sa hathienda, pahinga-pahinga, ligo-ligo ganyan.

16th interesting fact: At least twice a day ako maligo, at least 30 minutes bawat ligo. Pero pag di nag-alarm phone ko pag may pasok, pumapasok din ako ng walang ligo. Ha ha ha. Iri-risk ang employment dahil sa hygiene? Priorities ples. Ha ha ha.

Lakas pa ng loob kong yayain si kokoy manood ng latest episode ng Project Runway kahit alam ko at alam nyang tutulugan ko rin naman. At tama kami pareho. Si kokoy, kabaligtaran ko, never nyang tinutulugan ung mga pinapanood namin. He’s disiplinado that way.

So ito, finally, Sunday na. Grabe ang dami ko na ring nasulat ah. Next time nga, sumama na lang kayo saken para di ko na kayo kelangan i-update. Ha ha ha. Aga ko din nagising ah, as in mga 5am. Natulog ako mga 1130 pm. Grabe na lang talaga yung body clock ko, parang Pilipinas…. magulo. Ha ha ha. Tapos nanood akong US Open. Kinabog-kabog lang ni Serena si Azarenka. Nag-attempt ako magblog pero di ko kaya. Tapos, tinapos ko na ung Project Runway. Tapos Twitter-Twitter ganyan, Internet-Internet, tapos biglang 10 am na. Eh 1030 yung laro namin sa Club650. Ha ha ha. So karipas kami ni kokoy sa pagligo, tapos dumating na rin si Ermie galing sa sleepover nya kina Stan. Tapos tumuloy na kami sa laro.

Matagal na rin to, wala na rin akong ibang makitang picture ko na related sa volleyball. Ha ha ha.

Kasama naming maglaro ng volleyball ung mga kalaro din namin magbadminton. Ang saya to say the least. Wala na kong sasabihin masyado tungkol dito. Gusto pa play by play eh iblog ko? Ha ha ha. Basta masarap magvolleyball period. Maganda ung service at reception ko, tapos may mga maganda rin naman akong palo so check na din. Arte pa?

After ng laro, tulad ng nakagawian, kumain kami para bawiin ung mga calories na na-burn. Lalo na ko, ang payat-payat ko na kasi. Ha ha ha. Sa mga kainan naman nabubuo yung mga kwentuhan. This time, sa Yang Chow Dimsum House sa Shopwise Libis kami kumain. Best na rin, daming pakulo nung mga kanin. May nakabalot sa scrambled egg, merong may sabaw, meron ding parang sinangag lang. Ha ha ha. So much about food. Food blog? Ha ha ha. Medyo awkward yung simula nung kwentuhan gawa ng may mga pagkalkal ng issue na naganap. Pero nung lumipat na kami sa Happy Lemon sa Eastwood Mall, umayos naman na. I think. Ha ha ha.

Pagtapos nun, umuwi na kami sa Hathienda nina kokoy, madam at sinama namin si Roes. By this time, rurok na yung pagod ko. Imagine, nakatulog ako ng severe sa buong video ni Lady Gaga ng You and I habang pinapanood ni Kokoy? Pero bumili pa kami ng Mulawin, uminom pa ko ng kape dahil gusto ko nga sanang magsulat tapos umuwi na si Roes. Naghanda na ko para matulog. Naisip pa namin ni Kokoy na panoorin ung VMA habang nagsusulat ako. Ineexpect ko nga kasing di na ko aantukin gawa ng kape. As usual, mali ako.

Tulog = 1,923,378 Red = 0.

Nung si Adele na, waley. Comatose na ko.

At ito na. Gising na ko. So puede ko na simulan ung Day 3, yung tungkol sa first love. Pero magbebreak na muna ko. Manonood muna akong tennis at mag-aalmusal. Pwede naman un di ba? Ha ha ha. Mamaya na lang ulit. Kapit lang kayo dyan. Nakakataas din to ng EQ.

Itutuloy.

Posted in 30-Day Challenge, Uncategorized | Tagged , , , | 48 Comments

Break. Music.

I am currently watching the US Open featuring the Serena Williams-Victoria Azarenka match. Vika’s fighting spirit is incredible. Serena is being her amazing self.

So while I’m trying to get in the zone to write my Day 3 post, let’s take a break and listen to this beautiful song by David Guetta and Usher. I am in love with this track. The lyrics are a little blah, but it’s the beat that’s slaying it.

Enjoy.

Posted in Uncategorized | Tagged , , | 10 Comments